Stop-and-Go Scheme sinimulan ng ipatupad sa ilang lansangan para sa idaraos na 31st Annual Meeting of Asia-Pacific Parliamentary Forum
Inumpisahan na ang pagpapatupad ng ng Stop-and-Go Scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila simula ngayong Huwebes, Nov. 23 hanggang sa Nov. 26.
Ito ay para sa idaraos na 31st Annual Meeting of Asia-Pacific Parliamentary Forum.
Apektado ng Stop-and-Go Scheme ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), Diokno Boulevard, Macapagal Boulevard, Roxas Boulevard, at Atang Dela Rama.
Ayon sa MMDA, mayroong 361 na MMDA personnel ang ipakakalat sa nasabing mga kalsada para magmando ng daloy ng trapiko. (DDC)