Mahigit 450,000 na katao apektado ng pagbaha dulot ng shear line at LPA sa Eastern Visayas

Mahigit 450,000 na katao apektado ng pagbaha dulot ng shear line at LPA sa Eastern Visayas

Umabot sa mahigit 453,000 na katao o katumbas ng mahigit 114,000 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Western Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Northern Samar at Biliran.

Base ito sa progress report na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Eastern Visayas.

Ayon sa DSWD, 553 na barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa rehiyon.

Mayroong mahigit 56,000 na katao o mahigit 14,000 na pamilya ang nananatili pansamantala sa mga evacuation center.

Nakapaglaan naman na ang ahensya ng mahigit P19.2 million na halaga ng humanitarian assistance sa mga apektadong pamilya.

Mayroon ding available relief resources na nagkakahalaga ng mahigit P151 million.

Ayon sa DSWD, patuloy na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga LGU na naapektuhan ng Low Pressure Area at Shear Line.

Nakahanda ang DSWD na rumesponde sa mga LGU na magre-request ng augmentation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *