Coast Guard Apprentice Seaman pumanaw matapos sumailalim sa Water Search and Rescue training

Coast Guard Apprentice Seaman pumanaw matapos sumailalim sa Water Search and Rescue training

Nasawi ang isang Coast Guard Apprentice Seaman matapos itong sumailalim sa Water Search and Rescue (WASAR) training na isinagawa sa Sangley Point, Cavite.

Ayon sa report ng Maritime Safety Services Command (MSSC), nangyari ang insidente umaga ng November 16, habang CG ASN Mori Caguay at mga kapwa niya WASAR trainees ay sumasailalim sa lifesaving scenarios.

Lumangoy si Caguay patungo sa isang rubber boat ng mapansin ng training staff na nawalan ito ng malay.

Nagsagawa ng rescue operation at basic life support ang dalawang Coast Guard medical personnel pero nanatiling unresponsive si Caguay.

Doon na dinala sa ospital si Caguay subalit noong Lunes, Nov. 29 ay binawian na ito ng buhay.

Tiniyak ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan sa pamilya ni Caguay na magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyari.

Aalamin din kung mayroon mga aspeto ng WASAR training ang kailangang ayusin o baguhin.

Kung mayroong mapapatunayang may pananagutan sa insidente ay papatawan ng parusa ang sangkot na PCG personnel.

Inatasan din ni Gavan ang Coast Guard Legal Affairs Service na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) at maging transparent sa imbestigasyon sa nangyari. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *