Libreng Sakay ng Pasig River Ferry Service pinakikinabangan sa kasagsagan ng transport strike
Maaasahan ang Pasig River Ferry Service bilang alternatibong transportasyon ngayong may tigil-pasada.
Umabot sa 934 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Pasig River Ferry kahapon sa ikalawang araw ng transport strike.
Bukod sa libre ang pamasahe at mabilis ang byahe ay ligtas din sakyan ang mga ferry boats.
Dakong alas-7:00 ng umaga ang unang biyahe sa PRFS at magtungo lamang sa 11 na istasyon nito sa Pinagbuhatan, Kalawaan, San Joaquin, Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, Quinta, Lawton, at Escolta.
Samantala, pinapaalalahanan ang publiko na pansamantala namang walang biyahe sa PUP at Maybunga Station dahil sa sirang pontoon. (Bhelle Gamboa)