100 ektaryang lupa ng Bilibid iminungkahi ng BuCor na gawing Open Park

100 ektaryang lupa ng Bilibid iminungkahi ng BuCor na gawing Open Park

Iminungkahi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kay Department of Justice Secretary Crispin Remulla na gawing open park tulad ng Central Park sa New York sa Amerika, ang 100 sa mahigit 350 na ektaryang lupa ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kapag pinal nang isasara ang naturang pambansang piitan sa taon 2028.

Ang natitirang mga ektarya ng lupa sa Bilibid ay magsisilbi namang government center ng katimugang bahagi ng Metro Manila.

Habang isinasapinal pa ang mga plano, binuksan ng BuCor ang kanyang sunken garden bilang training ground para sa Football Club Bilibid (FCB),ang team na binubuo ng mga hindi gaanong mapapalad na kabataan at anak ng persons deprived of liberty (PDL).Ito ay isang outreach program ng King of the Blues (KOB) na kinabibilangan ng mga magkakaklase mula sa Ateneo De Manila ng batch ‘67 Grade School, ‘71 High School at ‘75 College.

Sinabi ni Catapang na naantig siya sa simpleng kumpas ng BuCor na nagpapahintulot sa pagpapagamit ng kanyang Sunken Garden para sa pagsasanay ng FCB na pakikinabangan ng mga bata ang malawak na espasyo upang sila ay matuto at matuwa sa sports para sa pagpapayabong ng kanilang mga talento at pag-uugali.

Nagsagawa rin ng courtesy call kay DG Catapang ang retiradong airline captain na si Captain Rafael Bolo Misa, ang founder at manager ng FCB, kasama ang kanyang team at nag-abot ng plaque para pasalamatan ang BuCor chief sa pagpapagamit sa kanila ng Sunken Garden bilang venue training nila at nagbukas ng oportunidad para sa sports scholarships, character development at leadership training.

“ After three years, we are now restarting our program with a bang, big thanks to General Catapang. We have dozens of young kids ages 7-12 who are eager to learn the sport. We have 80 kids in our program presently. Our FCB staff consisting of senior FCB players, is even more eager to help. Hopefully, just as we did together a few years back, we can make a difference in the lives of these kids whose misfortune it is to be born into the families they have,” sabi ni Misa.

Idinagdag pa nito na umaasa sila na sapat na mapagbubuti ang football skills ng kabataan upang makamit ang kanilang scholarships sa mga prestihisyosong paaralan.

Ibinunyag pa ni Misa na kasalukuyan ay mayroon silang mga iskolar sa FEU, San Beda at Perpetual. Si Princess Boles ay iskolar aniya sa San Beda kung saan ang kanyang ama ay nakulong ng mahigit 25 na taon habang si William Boles Jr. naman na isa pang manlalaro, na isa rin PDL ang tatay nito sa higit 20-taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *