Elderly Filipino Week ipinagdiwang sa Las Piñas City
Nagdiwang ang Las Piñas City ng Elderly Filipino Week upang patuloy na pahalagahan at pasalamatan ang mga senior citizens sa lungsod.
Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pakikipagtulungan ng Office of the Senior Citizen Affairs ay matagumpay na naglunsad ng aktibidad na may temang “Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens”, sa Verdant Covered Court, Baranga Pamplona Tres kung saan binigyang pagkilala at pinahalagahan ng Pamahalaang Lungsod ang ambag na kabutihan ng mga senior citizen sa komunidad.
Pinangunahan naman ni Vice Mayor April Aguilar ang kasiyahan sa inilunsad na Seniors’ Night.
Binigyang importansiya ng bise alkalde ang naitulong ng mga senior citizen ng lungsod at pinasalamatan sila sa kanilang matatag na kontribusyon na nagbigay ng karunungan sa lipunan.
Inihayag pa ni Vice Mayor Aguilar ang paninindigan ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng mga itinataguyod na inisyatibo at programa.
Ang naturang selebrasyon ay hindi lamang pagbibigay pugay sa legasiya ng mga Pilipinong senior citizen kundi pagpapalakas ng diwa ng komunidad sa lungsod.
Nag-iwan din ito ng pangmatagalang saya at pagpapahalaga sa mga lumahok sa aktibidad.
Ang Las Piñas City sa ilalim ng liderato ni Mayor Imelda T. Aguilar ay patuloy na sumusuporta at kinikilala ang mga senior citizen para sa kanilang mahahalagang kontribusyon na mananatiling bahagi ng kultura sa lungsod at ng komunidad. (Bhelle Gamboa)