“Catch-up Fridays” sisimulan sa mga pampublikong paaralan simula Jan. 12 para tutukan sa pagbabasa ang mga estudyante

“Catch-up Fridays” sisimulan sa mga pampublikong paaralan simula Jan. 12 para tutukan sa pagbabasa ang mga estudyante

Pinangunahan ni Vice President at Depatment of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte ang pagdiriwang ng “Araw ng Pagbasa” sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City.

Ayon sa bise presidente, bahagi ito ng layunin ng DepEd sa ilalim ng “MATATAG Agenda” na maiayos ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Inanunsyo ni Duterte na simula sa Jan. 12, 2024 ay magkakaroon ng tinatawag na “Catch-up Fridays”.

Ito ay para sa reading, health, values at peace education sa mga paaralan.

Ani Duterte, sa lahat ng public schools sa bansa ay pagbabasa ang pangunahing gagawin kapag araw ng Biyernes.

Tuwing Biyernes, inaasahan na ang mga estudyante sa mga paraalan ay magbabasa ng iba’t ibang reading materials base sa kanilang interest. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *