P303M na pondo para sa pagtatayo ng 120 na silid-aralan aprubado na ng DBM

P303M na pondo para sa pagtatayo ng 120 na silid-aralan aprubado na ng DBM

Aprubado na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd) na maipalabas ang halagang P303.5 milyon para sa konstruksyon ng 120 silid-aralan sa 21 lugar sa bansa.

Ayon kay Pangandaman, batid ng DBM ang pangangailangan na palakasin ang sektor ng edukasyon bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng social at human development.

Ipinunto rin ni ng kalihim na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paghusayin ang mga pasilidad ng edukasyon sa bansa upang makalikha ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng lahat ng mga estudyante, kabilang ang mga mga nasa malalayong at mahirap abutin na mga lugar.

Inaprubahan ng DBM ang hirit na pondo na bahagi ng Basic Education Facilities (BEF) Batch 2 para sa Calendar Year (CY) 2023 makaraang makumpleto ang mga requirement tulad ng listahan ng mga paaralang aprubado ng DepEd Undersecretaries for School Infrastructure and Facilities, and Finance; Budget Execution Document No. 1-Financial Plan; Physical Plan; at Monthly Disbursement Program. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *