Kasunduan sa clean and green project nilagdaan
Nilagdaan sa pagitan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes at ng Maynilad Water Services, Inc. ang isang kasunduan para sa Clean and Green project.
Nilalayon ng kasunduang ito na magamit ang effluent o treated wastewater na nakokolekta mula sa mga residential at commercial customers ng water concessionaire.
Libre itong magagamit ng MMDA para pandilig ng mga halaman at paglilinis ng kalsada na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng ahensiya.
Bukod sa kalsada, maaari rin gamitin ang effluent o treated wastewater sa paglilinis ng mga center island, barriers, plant boxes, at pader ng mga underpass.
Puwede rin itong gamitin bilang pamatay-apoy. (Bhelle Gamboa)