41 motorsiklo na-impoud kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy ng LTO

41 motorsiklo na-impoud kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy ng LTO

Na-impound ang 41 motorsiko na nahuli ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa istriktong pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, malaking bilang ng mga nahuling motorsiklo ay sa Metro Manila.

Sa rekord ng LTO, maraming motorsiklo ang hindi nakarehistro ng isa hanggang limang taon na.

Inatasan ni Mendoza ang mga Regional Director ng LTO na makipag-ugnayan sa Police Regional Offices at sa traffic enforcement units ng local government units (LGUs) para sa pagpapatupad ng polisya.

Sa rekord ng LTO, mayroong 24.7 million delinquent vehicles, o mga sasakyan na hindi ipinaparehistro ng may-ari at karamihan sa mga ito ay motorsiklo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *