PCG nagkasa ng rescue operations sa Catarman, Northern Samar
Nagkasa ng rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Catarman, Northern Samar na nakaranas ng pagbaha.
Ang pagbaha ay bunsod ng pag-ulan na dulot ng shearline at low-pressure area (LPA).
Sinagip ng mga tauhan gn Coast Guard District Eastern Visayas ang mga residente na na-trap sa kanilang bahay sa Barangay Macagtas.
Tatlong pamilya ang dinala ng PCG sa Catarman evacuation center.
Patuloy din ang pag-asiste ng PCG sa rescue at evacuation operations sa iba pang residente na nangangailangan ng tulong. (DDC)