Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa local adaptation ng hit K-drama na “What’s Wrong with Secretary Kim”
Inanunsyo ng ABS CBN na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bibida sa Philippine adaptation ng South Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim”.
Ang serye ay ipo-produce ng Dreamscape Entertainment at inaasahang mapapanood sa Marso sa susunod na taon.
Si Kim Chiu ang gaganap bilang Secretary Kim habang si Avelino naman ang gaganap bilang Vice-Chairman na orihinal na ginampanan ni Park Seo-joon.
Ito na ang ikatlong adaptation sa pagitan ng ABS-CBN at Viu, kasunod ng “The Broken Marriage Vow” at “Flower of Evil.” (DDC)