VP Sara Duterte pinuri ang MMDA sa “higit na nakahanda” sa pagtugon sa tigil-pasada
Sumama si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagmomonitor ng tatlong araw na transport strike na isinasagawa ng transport group PISTON simula ngayong araw ng Lunes, November 20.
Personal na tinutukan ni VP Sara ang pagmomonitor ng MMDA sa MMDA Communications and Command Center na nagsilbing inter-agency monitoring and command center para sa tigil-pasada.
Ang Office of the Vice President ay nagdeploy ng kanilang mga bus bilang karagdagang tulong at magsilbing rescue vehicles para sa mga apektadong commuters.
“We are ready to support the MMDA in their transport strike response. We are also appealing to the group staging the protest to have a dialogue with the government and bring their concerns to the negotiation table,” sabi ng Bise Presidente.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na inihanda ng MMDA ang 686 na service vehicles. Dakong ala- 1:53 ng hapon,nagdispatch ang ahensiya ng 74 na sasakyan para serbisyuhan ang 1815 commuters.
Ayon pa kay Artes maituturing umano na nabigo ang PISTON na paralisahin ang transportasyon sa unang araw ng tigil pasada.
“We think that it might be just normal Monday morning rush hour foot traffic,” aniya habang binigyang diin nito na hindi nais ng ahensiya na magkaroon ng pagdami ng stranded na mga pasahero kaya agad nagdeploy ng prepositioned assets.
Habang mababa lamang ang epekto ng unang araw ng transport strike, sinabi ni Artes na ang MMDA at ibang kaukulang mga ahensiya ay patyloy na magmomonitor ng sitwasyob hanggang sa huling araw ng tigil pasada.
“We are ready for the three-day strike and we will respond depending on the situation,” ani Artes.
Idinagdag pa ni Artes na aalamin ng ahensiya ang volume ng trapiko bago ang desisyon kung sususpendihin o hindi ang number coding scheme bukas,November 21.
Inihayag naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz na may nakaiskedyul na dayalogo sa pagitan nila at ng PISTON upang pakinggan ang kanilang mga isyu patungkol sa Utility Vehicle Modernization Program.
Aniya maluwag ang LTFRB sa pagsususpinde ng prangkisa ng mga sumasali sa tigil-pasada, at binigyang diin niya na kinikilala ang karapatan ng mga nagwewelga upang ihayag ang kanilang opinyon.
“We will let them use their freedom of expression, however, they will be penalized if they resort to violent means such as throwing of stones and spikes to force others to join their protests,”paliwanag ni Guadiz.
Samantala, sinabi ni Artes na malaking pagbaba sa bilang ng mga nahuhuli sa
EDSA busway regulation.
“From the 524 apprehensions last November 13, there were only 62 apprehended as of 10am today,” pahayag ni Artes. (Bhelle Gamboa)