Plenary debate para sa panukalang P5.768 Trillion national budget natapos na ng senado Martes ng madaling araw
Natapos na ng Senado ang plenary debate para sa P5.768 Trillion na panukalang national budget.
Natapos ang sesyon 4:50 ng madaling araw ng Martes (Nov. 21).
Kabilang sa naging highlights ng deliberasyon ng plenaryo sa pambansang budget ay ang pagtanggal sa panukalang confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).
Ang iba pang ahensya na hiniling na maalis na ang kanilang confidential funds ay ang Department of Finance (DOF) at ang Department of Information and Communications and Technology (DICT).
Umabot sa siyam na araw ang deliberasyon ng Senado sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Sa kaniyang X Account ibinahagi ni Sen. Loren Legarda ang larawan kasama ang iba pang mga senador kasunod ng pagtatapos ng deliberasyon.
Ayon kay Legarda kumpiyansa siya na ang 2024 budget ay nakasentro sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang susunod na hakbang para sa panukalang budget ay ang pag-introduce ng mga amendments nito.
Susundan naman ito ng approval sa second at third reading bago ang bicameral conference ng Senado at Kamara. (DDC)