Magnitude 4.9 na lindol naitala sa Sarangani

Magnitude 4.9 na lindol naitala sa Sarangani

Nakapagtala ng magnitude 4.9 na aftershock sa lalawigan ng Sarangani.

Ang epicenter ng lidol ay naitala sa layong 28 kilometers southwest ng bayan ng Glan, 3:28 ng madaling araw ng Martes, Nov. 21.

May lalim na 57 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity IV sa General Santos City at Intensity III sa Tupi, South Cotabato at sa Maasim, Sarangani.

Una ng sinabi ng Phivolcs na maaaring makaranas ng mga aftershock matapos ang magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Nov. 17. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *