Halaga ng naipamahaging fuel subsidy ng LTFRB mahigit P1 billion na
Pumalo na sa mahigit P1 billion ang kabuuang halaga ng naipamahaging subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP) ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Batay sa pinakahuling datos ng LTFR, umabot na sa P1,089,176,500 ang halaga ng naipamahaging fuel subsidy sa 166,598 na yunit ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.
Layunin ng programa na matulungan ang mga tsuper at operator na mabawasan ang kanilang gastusin sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, patuloy ang pagsusumikap ng ahensya katuwang ang Land Bank of the Philippines (LBP) upang siguruhin ang maayos at episyenteng pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng nasabing programa. (DDC)