Las Piñas LGU: Outstanding performances ng mga empleyado,opisyal at yunit, kinilala

Las Piñas LGU: Outstanding performances ng mga empleyado,opisyal at yunit, kinilala

Sa ginanap na 2023 Local Governance Exemplar Awards, kinilala ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas City ang mga empleyado, opisyal at operating units na nagpamalas ng pinakamahusay na pagganap sa paghahatid ng mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno ngayong taon.

Ito ay kasabay ng inspiradong pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Las Piñas City Hall ngayong November 20 na pinanguhana nina
Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar.

Ayon kay Mayor Imelda Aguilar na nilikha ang Las Piñas City Local Governance Exemplar Award (LPCLGEA) upang itatag ang mekanismo sa pagtukoy, pagpili at pagbibigay ng rewards o gantimpala at mga insentibo sa mga karapat-dapat na mga opisina,opisyal, at empleyado ng Las Pińas City Hall.

Dagdag pa niya tukuyin din nito ang pinakamahusay na accomplishments sa paninindigan sa mga prinsipyo ng pamamahala ng kaalaman, pagsasama-sama at pakikipagpartner sa multi-stakeholder para sa implementasyon ng mga programa, proyekto, aktibidad at inisyatibo ng lokal na pamahalaan.

“Layunin ng LPCLGEA na itatag ang pagbibigay ng reward at pagkilala tuwing panahon o kung kinakailangan upang magbigay din ng mga insentibo at interbensiyon para lalo pang pag-igihan ng mga empleyado na nag-ambag ng mga ideya, suhestiyon, hindi matatawarang tagumpay, mahalagang karera at mga hakbang sa personal na pagpapabuti”, pahayag pa ng alkalde.

Ang pagpaparangal ay sinaksihan nina nina Atty. Odilon L. Pasaraba, Undersecretary for Project Development Management ng Department of the Interior and Local Government (DILG); Atty. Ana Lyn R. Baltazar-Cortez, DILG Assistant Regional Director-National Capital Region; Ms. Mary Anne B. Planas, City Director- DILG Las Piñas; Brig. Gen. Mark Danglait Pespes, Southern Police District (SPD) Director; at Las Piñas City Police Chief Col. Jaime O. Santos.

“Ang awards and recognition program ay binubuo ng dalawang kategorya na city-level awards at barangay-level awards, na sinundan ng paglulunsad ng Las Pinas City Lupon Tagapamayapa Hymn na pinangunahan ng mga kinatawan ng Barangay Talon Singko”, saad pa ni Mayor Aguilar.

Sa ilalim ng kategorya ng City Level Awards ay ang High Functionality on the Las Pinas City Peace and Order Council (LPCPOC); Safest City in Southern Metro Manila; High Functionality on the Las Pinas City Anti-Drug Abuse Council (LPCADAC); Ideal Function for both the Local Council for Protection of Children (LCPC) and the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC); Functional Comprehensive Development Plan (CDP); at Functional Fisheries Compliance Audit.

“Kabilang din sa City Level Awards ang Regional Recognition on Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation (MBCRP) Program; Regional Recognition on Halina’s Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG)-Kalinga Program; City Nutrition Awards; Best Garden Award; at ng Seal of 4Ps-Grand Winner Pantawid Farmers ng Talon Kuatro-Livelihood Association”, dagdag pa ng alkalde.

Binanggit naman ni Mayor Aguilar sa ilalim ng Barangay Level Awards category ay ang Safe Barangay Awards, Drug Cleared Barangays, Best Barangay Nutrition Scholars, Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB), at ng Outstanding Lupong Tagapamayapa of the City of Las Piñas.

Sa talumpati naman ni Vice Mayor April Aguilar, napaabot naman ito ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng awardees para sa kanilang hindi matatawarang pangako at makabagong kontribusyon sa lungsod.

“To all our awardees, your hard work and dedication have significantly contributed to enhancing the quality of life in our beloved city. Your efforts in various sectors have not only improved our city’s operations but have also uplifted the lives of our residents. This is a clear demonstration of what we can achieve when we work together with a shared vision for a better Las Piñas,” sabi ng bise-alkalde.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, tiniyak naman nito sa mga residente ang kanilang tuluy-tuloy na tapat at progresibong serbisyo sa lungsod ng Las Piñas. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *