50 pirasong exotic pests galing Thailand nakumpiska ng Customs

50 pirasong exotic pests galing Thailand nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga exotic pests galing Thailand sa Sub-Port ng Central Mail Exchange Center (CMEC)

Idineklarang candy ang laman ng kargamento pero ng isailalim ito sa x-ray scanning at physical examination, natuklasan na naglalaman ito ng 50 piraso ng “isopods”.

Kinumpiska ng BOC ang mga exotic pests dahil sa kawalan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry at paglabag sa Plant Quarantine Law of 1978 (PD 1433) at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na laging nakaalerto ang mga tauhan ng Customs para maharang ang anumang tangkang smuggling sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *