Lava namataan na muling dumaloy sa Bulkang Mayon
Muling nakapagtala ng pagdaloy ng lava mula sa Bulkang Mayon.
Sa inilabas na update ng Phivolcs, nakapagtala ng mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometers sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometers mula sa Bonga Gully at 1.1 kilometers sa Basud Gully.
Ayon sa Phivolcs umabot sa 4 kilometers ang naitalang pagguho ng lava mula sa crater ng bulkan.
Sa magdamag ay nakapagtala din ng 1 volcanic earthquake, 97 na rockfall events at 2 insidente Pyroclastic Density Current events sa Mt. Mayon.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon kaya mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometers radius Permanent Danger Zone nito. (DDC)