37 rescue vehicles ipakakalat ng MMDA para tumulong sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada

37 rescue vehicles ipakakalat ng MMDA para tumulong sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada

Mayroong nakahandang 37 rescue vehicles na ipakakalat ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga sasakyan ay mula sa ahensya, Office of the Vice President, Office of the House Speaker, at private bus.

Nagsagawa na din ng pulong ang inter- agency monitoring team sa MMDA Communications and Command Center sa Pasig City para alamin ang sitwasyon sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada.

Sa command center tinatanggap ang tawag at report mula sa field tungkol sa sitwasyon sa mga lansangan ng Metro Manila.

Inabisuhan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang mga traffic enforcers na prioritize ang traffic management at maging alisto sa mga spikes o pako na ayon sa report ay ikinakalat ng grupong PISTON. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *