Pangulong Marcos nagpasalamat sa mga Pinoy sa Hawaii na tumulong sa kanilang pamilya noong 1986

Pangulong Marcos nagpasalamat sa mga Pinoy sa Hawaii na tumulong sa kanilang pamilya noong 1986

Sa kaniyang pagbisita sa Honolulu, Hawaii ay inalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panahong na-exile ang kanilang pamilya sa nasabing lugar.

Nagtungo sa Hawaii ang pangulo at bahagi ng kaniyang pagbisita doon ang pakikipagkita sa mga Filipino at Filipino-Americans.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala anumang pinanghahawakan ang kaniyang pamilya ng dumating sila sa Hawaii noong 1986.

At ang kabutihan ng Filipino community doon ang dahilan kung paano sila nakaraos.

Kabilang aniya sa tulong na ibinigay sa kanila ng mga Pinoy ay ang kanilang damit, pagkain at maging gamit sa bahay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *