Kasong theft at qualified theft na isinampa ng ‘investment scammer’ na si Mario Marcos laban sa mag-asawang negosyante, ibinasura ng Makati court

Kasong theft at qualified theft na isinampa ng ‘investment scammer’ na si Mario Marcos laban sa mag-asawang negosyante, ibinasura ng Makati court

Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang mga kasong theft at qualified theft na isinampa ng sinasabing investment scammer na si Mario Marcos laban sa mag-asawang negosyante na sina Artemio at Phebie Dy.

Ayon sa inilabas na resolusyon ng korte, walang basehan ang isinampang mga kaso ni Marcos laban sa mag-asawang Dy.

Hindi umano napatunayan ni Marcos na sa kanya ang titulo ng property na isang condominium unit sa Quezon City at mga ‘precious stones’ na ginawa niyang collateral na ibinigay sa mag-asawang negosyante para makautang ng P12-milyon.

Batay pa sa korte, boluntaryo ang pagdadala ng titulo ng property at mga batong hiyas sa opisina ng mag-asawang Dy bilang collateral.

Hindi rin umano sumipot si Marcos sa mga pagdinig ng korte mula October 17 hanggang October 24.

Samantala ikinatuwa naman ng mag-asawang Dy sa naging desisyon ng korte kung saan agad silang nagsampa ng kaso laban sa pang-iiscam sa kanila ni Mario Marcos ng P12-million.

Tingin ng mag-asawang Dy ginawa lamang ni Marcos ang mga demanda para maantala ang pagsasampa nila ng kaso laban dito.

Nauna rito, isang nagpakilalang Mario Marcos na isang negosyante at kaanak ni Pangulong Bongbong Marcos, na may-ari umano ng SMART CITI TEKNOLOGY ang nakilala ng mag-asawang Dy sa isang event sa Makati City noong April 23, 2023.

Matapos makuha ni Mario ang loob ng mag-asawa,umutang ito ng P6-milyon noong May 2023 na gagamitin umano sa isang business summit.

Nagbigay umano ng post dated check si Mario Marcos pero wala namang pondo ng araw na idedeposito na ito.

Imbes na magbayad muling nangutang umano si Mario ng P6-million sa mag-asawang Dy kung saan kapalit ang precious stones at titulo na ginawa niyang collateral.

Sa paghingi ng tulong ng mag-asawang Dy sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) dito nalaman na hindi kaanak o pinsan ni PBBM si Mario Marcos.

Noong September pinag-iingat ng PAOCTF ang publiko sa mga scammer na nagpapakilalang kamag-anak ng Pangulo.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng PAOCTF na maraming kasong estafa si Mario Marcos kung saan nakakalaya lamang siya pansamantala dahil sa paglalagak nito ng piyansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *