Presyo ng itlog patuloy na tataas habang papalapit ang holiday season

Presyo ng itlog patuloy na tataas habang papalapit ang holiday season

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng itlog dahil sa kakulangan ng suplayan ng manok.

Sa isang panayam sinabi ni Francis Uyehara, Philippine Egg Board President, na simula Setyembre ay nakapagtala na ng pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado.

Ngayong holiday season, gaya ng iba pang pagkain ay tataas pa ang demand sa itlog na maaaring magresulta sa pagtaas pa lalo ng presyo nito.

Pangunahing kadahilanan ayon kay Uyehara ng kakulangan ng suplay manok ay ang problema sa bird flu.

Karamihan sa mga tinamaan ng bird flu ay ang mga poultry sa mga lalawigan sa Norte dahil sa mga migratory birds.

Sa ngayon ayon kay Uyehara, tumataas naman na ang produksyon ng itlog, subalit tataas pa din ang presyo nito ngayong holiday season bunsod ng mas mataas na demand.

Sa ngayon sa monitoring ng Egg Board, nasa P7.10 hanggang P7.50 ang farm gate prize ng medium sized na itlog. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *