Pangulong Marcos nakipagkita sa Filipino community sa San Francisco, California

Pangulong Marcos nakipagkita sa Filipino community sa San Francisco, California

Sa kaniyang unang araw sa San Francisco, California agad na nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino community doon.

Personal na pinasalamatan ng pangulo ang mga Pinoy para sa mahahalaga nilang kontribusyon sa bansa.

Binati din ng pangulo ang mga frontline workers na nagpakita ng kabayanihan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa rito, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga tagumpay ng mga kabataang Filipino Americans, tulad ng goal ni Sarina Bolden sa 2023 FIFA Women’s World Cup, at ang lumalaking partisipasyon ng mga Filipino Americans sa Bay Area at Silicon Valley na sumusuporta sa mabilis na pag-unlad ng Pilipinas.

Inalala din ng pangulo ang mga nakiiisa sa 2023 Very Important Pinoy, o VIP Tour sa Malakanyang noong Hulyo. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *