Pagkakadawit ng pangalan ni Sen. Bong Revilla Jr. sa isang sasakyang lumabag sa EDSA Bus Lane iimbestigahan ng MMDA
Iniimbestigahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nangyaring insidente kaninang umaga sa kasagsagan ng operasyon ng implementasyon ng EDSA Bus Carousel Lane regulation makaraang madawit ang pangalan ni Senador Bong Revilla, Jr.
Base sa CCTV footage ng MMDA, ang pinarang sasakyan ay mayroong protocol plate, at inaalam pa ng ahensiya kung bakit nasangkot ang pangalan ng senador.
Nais din ng MMDA na humingi ng paumanhin sa senador dahil sa nakabinbin na imbestigasyon.
“We would like to reiterate that only authorized vehicles allowed to utilize the EDSA Bus Carousel lane are: public utility buses, emergency vehicles, and clearly-marked government vehicles responding to emergencies,” ayon sa ahensiya.
Irerekomenda ng MMDA sa DOTr na palawakin ang paggamit ng Bus Lane para sa convoy ng President, Vice President, Senate President, Speaker of the House at Supreme Court Chief Justice. (Bhelle Gamboa)