Presyo ng bigas, tulong sa mga magsasaka dapat na pagtuunan ng pansin ng DA

Presyo ng bigas, tulong sa mga magsasaka dapat na pagtuunan ng pansin ng DA

Sa halip na ang usapin sa nasasayang na kanin ay mas dapat pagtuunan ng pansin ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng bigas at ang tulong sa mga magsasaka.

Reaksyon ito ng grupong Bantay Bigas sa mga panukalang dapat mag-alok ng half-cup of rice ang mga restaurant sa bansa para maiwasan ang pagkasayang ng kanin.

Sa panayam sinabi ni Bantay Bigas spokesperson at Amihan Secretary General Cathy Estavillo, ang mga mga nasasayang na kanin at iba pang pagkain ay sa mga malalaking restaurant, hotel at mga handaan na nagse-serve ng buffet.

Habang ang mga maralitang mamamayan ay hindi pa nga nakakakain ng sapat na dami ng kanin sa maghapon dahil sa kakapusan ng perang pambili.

Sinabi ni Estavillo na marami pa ring Pilipino ang nagsabing sila ay nakararanas ng kagutuman.

Katunayan ang mga mahihirap na manggagawa ay bumabawi na lang sa mga kainan na nag-aalok ng “unli rice”.

Sinabi ni Estavillo na mas mainam sana na pagtuunan ng pansin ng DA kung paanong mapapababa ang presyo ng bigas gayundin ang kung paano mapapababa ang cost of production ng mga magsasaka.

Sa ganitong paraan mas magiging abot-kaya aniya sa mga mahihirap na manggagawa ang pagbili ng bigas.

Una ng sinabi ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na umaabot sa P7.2 billion na halaga ng bigas ang nasasayang sa bansa kada taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *