Year-end bonus at cash gift ng mga empleyado ng gobyerno, matatanggap na simula ngayong araw

Year-end bonus at cash gift ng mga empleyado ng gobyerno, matatanggap na simula ngayong araw

Matatanggap na ng mga kwalipikadong tauhan ng gobyerno ang kanilang year-end bonus at cash gift simula ngayong araw, November 15, 2023.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwan na basic pay ng empleyado.

Habang ang cash gift naman ay nagkakahalaga ng P5,000.

Makatatanggap nito ang mga empleyado ng gobyerno na nakapanilbihan na ng hindi bababa sa apat na buwan mula January 1 hanggang October 31 ngayong taon.

Kabilang sa makatatanggap ng bonus at cash gift ang lahat ng civilian personnel, regular, contractual, casual, appointive o elective, full-time o part-time.

Ito ay ang mga nagtatrabaho sa executive, legislative, judicial branches, Constitutional Commissions, iba pang Constitutional offices, SUCs, GOCCs, military personnel ng AFP, uniformed personnel ng PNP, PPSC, BFP, BJMP, PCG at NAMRIA.

Kasama din sa tatanggap ng bonus ang mga elective o appointive barangay officials at employees. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *