SK officials sa Las Piñas isinailalim sa mandaotry training

SK officials sa Las Piñas isinailalim sa mandaotry training

Nagsagawa ang Las Piñas City Social Welfare and Development Office sa pakikipagtulungan ng Local Youth Development Office ng dalawang araw na mandatory training para sa mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na ginanap sa Mayor Nene Aguilar Multipurpose Hall ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) Building sa BF Resort Village, Barangay Talon Dos nitong weekend.

Ang nasabing training session ay mahalagang inisyatibo na bigyan ang mga SK officials ng mahahalagang kaalaman at kinakailangang kakayanan para sa epektibong pamamahala at liderato sa kani-kanilang komunidad.

Personal na iginawad ni Vice Mayor April Aguilar ang Certificates of Training Completion sa mga partisipante, bilang kanilang kahandaan na gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang youth leaders sa lungsod.

Ang presensiya ng bise alkalde ay pagpapakita ng lokal na pamahalaan ng suporta at kumpiyansa sa mga kapabilibidad ng mga kabataang pinuno.

Kabilang sa naturang programa ang komprehensibong mga paksa na nakatuon sa tungkulin ng kabataan sa lokal na pamamahala, kaunlaran ng komunidad at mga prosesong panglehislatura.

Nagsilbing plataporma rin ang training para sa mga opisyal ng SK upang talakayin ang mga karaniwang hamon at pagbabahagi ng pinakamagagandang gawain.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ay patuloy na naninindigan sa pangakong pag-aaruga at pagbibigay kapangyarihan sa mga youth leaders, pagkilala sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapaunlad at pamamahala sa komunidad.

Ang matagumpay na pagkumpleto sa SK mandatory training ay nagmarka ng panibagong hakbang sa pagpapalakas ng mga kapabilidad ng mga opisyal ng SK sa lungsod na nagtatakda sa pangakong daan para sa maagap at mapagtugon na pamamahala sa mga susunod pang taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *