Mga lumabag sa EDSA Bus Lane Policy nadagdagan pa

Mga lumabag sa EDSA Bus Lane Policy nadagdagan pa

Ngayong araw, nadagdagan pa ng 197 na motorista ang nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagbalewala sa panuntunan sa EDSA Bus Lane sa kabila ng implementasyon ng mas mataas na multa para sa hindi awtorisadong pagdaan dito.

Ayon sa MMDA, umabot sa kabuuang 197 na motorista (114 motorcycles at 83 four-wheeled vehicles) ang hinuli ng mga traffic personnel ng ahensiya dahil sa pagdaan sa nasabing bus lane.

Kahapon natikitan ang nasa 514 na motorista sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng MMDA Regulation No. 23-002 o pagpapairal ng mas mataas na multa at parusa para sa paglabag sa exclusive city bus lane/EDSA Carousel Lane regulation.

Sa ilalim nito, ang mas mataas na multa sa mga lumalabag ay :

First Offense – P5,000
Second Offense – P10,000 at isang buwang suspensyon ng driver’s license, at kinakailangang sumailalim sa road safety seminar
Third Offense – P20,000 at isang taong suspensyon ng driver’s license
Fourth Offense – P30,000 at rekomendasyon na bawian ng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO)

Babala ng MMDA bawal dumaan ang mga hindi awtorisadong sasakyan sa EDSA Bus Carousel Lane na nakalaan lamang sa mga pampublikong bus, emergency vehicles katulad ng ambulansya, fire trucks, at iba pang marked vehicles ng pamahalaan na tumutugon sa mga emergency.

Ang pagpapatupad nito ay para sa kaligtasan ng mga motorista at para hindi maantala ang biyahe ng mga pampasaherong bus na dumadaan sa exclusive lane. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *