Supply mission sa BRP Sierra Madre magpapatuloy ayon sa AFP
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang The Philippines would continue ang paghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay AFP spokesman Col. Medel Aguilar, hindi mapapagod ang mga otoridad ng bansa sa pagsasagawa ng “legal and peaceful” actions sa kabila ng mga hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Nagpasalamat si Aguilar sa mga mambabatas sa mga inisyatiba upang matiyak na mapapanatili sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.
Noon lamang nakaraang linggo ay tinangkang harangin ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga barko na maghahatid ng pagkain, tubig at iba pang suplay para sa mga sundalo na nasa BRP Sierra Madre.
Sinabi ni Aguilar na lehitimong operasyon ang ginagawa ng mga otoridad ng bansa na hindi maaaring pigilan ninuman. (DDC)