FAKE NEWS ALERT: Post sa Facebook tungkol sa papremyong iPhone 15 ng DSWD, hindi totoo

FAKE NEWS ALERT: Post sa Facebook tungkol sa papremyong iPhone 15 ng DSWD, hindi totoo

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa ipinakakalat na post sa Facebook post at Messenger na nagsasabing magbibigay ng papremyo ang ahensya sa mga makakasagot ng survey.

Ayon sa DSWD, hindi totoo ang kumakalat na link na nangangako ng papremyo tulad ng iPhone 15 at cash prize, bilang bahagi umano ng pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng DSWD.

Sinabi ng ahensya na ang DSWD ay hindi namimigay ng gift prizes kapalit ng pagsagot sa survey o pag-access ng suspicious link.

Paalala ng DSWD sa publiko, huwag mag-click ng kahit anumang link na ipinapadala sa Messenger na hindi galing sa official Facebook page ng DSWD.

Narito ang mga opisyal na social media accounts at website ng DSWD:

Facebook: @dswdserves
Twitter: @dswdserves
YouTube: @dswdserves
Instagram: @dswdphilippines
Website: www.dswd.gov.ph

Paulit-ulit na paalala ng DSWD sa publiko na kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa online. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *