Bayan ng Pola sa Oriental Mindoro umapela ng tulong sa national government para sa mga hog raiser na apektado ng ASF

Bayan ng Pola sa Oriental Mindoro umapela ng tulong sa national government para sa mga hog raiser na apektado ng ASF

Umapela ng tulong sa national government si Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz para mabigyan ng tulong ang mga hog raisers sa bayan na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Nakasailalim na sa state of calamity ang bayan ng Pola dahil sa epekto ng ASF.

Ayon sa alkalde, limang barangay sa bayan ang apektado ngayon ng ASF.

Sa ngayon ay hindi na pwedeng maglabas at magpasok ng baboy sa bayan ng Pola.

“Sana mas mabilis nating matulungan ang ating hog raisers, umiiyak po talaga sila,”. ayon kay Cruz.

Sinabi ni Cruz na marami sa mga hog raiser ay mayroon pang mga utang na binabayaran.

Sa ngayon wala pang natatanggap na tulong ang mga hog raiser sa bayan ng Pola mula sa Department of Agriculture (DA).

Nanawagan naman si Cruz sa mga hog raiser partikular ang mga hindi rehistrado na makipag-ugnayan sa munisipyo.

Kailangan ding agad na iulat sa lokal na pamahalaan kung mayroon silang mga alagang baboy na magkakasakit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *