LPA sa labas ng bansa naging ganap ng bagyo; papasok sa bansa sa Miyerkules o Huwebes

LPA sa labas ng bansa naging ganap ng bagyo; papasok sa bansa sa Miyerkules o Huwebes

Nabuo na bilang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ayon tropical depression ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,540 kilometers east ng southeastern Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa bansa ang bagyo sa Miyerkules, Nov. 15 o ‘di kaya ay sa Huwebes, Nov. 16.

Papangalanan itong “Kabayan” sa sandaling pumasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Inaasahan ding lalakas ang bagyo at posibleng umabot sa Typhoon category.

Ayon sa PAGASA, maaaring magtaas ng tropical cyclone wind signals sa Eastern portions ng Visayas at Mindanao. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *