Rafael D. Consing Jr. itinalaga ni Pang. Marcos bilang Presidente at Chief Executive Officer ng Maharlika Investment Corporation

Rafael D. Consing Jr. itinalaga ni Pang. Marcos bilang Presidente at Chief Executive Officer ng Maharlika Investment Corporation

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Si Consing ay kasalukuyang Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) kung saan responsable siya sa day-to-day operations ng OPAIEA.

Bago magsilbi sa gobyerno, nasa pribadong sektor si Consing at kabilang sa mga hinawakan niyang posisyon ay ang pagiging Senior Vice President & Chief Financial Officer ng International Container Terminal Services, Inc..

Naging Managing Director din siya sa HSBC Hong Kong at HSBC Singapore.

Bilang Presidente at CEO mg MIC, kabilang sa responsibilidad ni Consing ang bumuo ng portfolio ng investments sa local at global financial markets.

Siya rin ang may responsibilidad sa pag-manage at pag-invest ng initial at future contributions sa Maharlika Investment Fund salig sa R.A. No. 11954.

Si Consing ay mayroong tatlong taong termino sa MIC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *