Mahigit 200 dating MNLF combatants sa Marawi City tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa DSWD
Umabot sa 232 na dating combantants ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Marawi City ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bawat isa ay nakatanggap ng P45,000 mula sa DSWD – Northern Mindanao.
Ang nasabing halaga ay para magamit nila na makapagsimula ng kanilang pangkabuhayan.
Ang tulong-pinansyal ay sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance ng ahensya.
Ang MNLF Transformation Program ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity(OPAPRU) ay layong matulungan ang mga MNLF combatant na maging produktibo, empowered at self-reliant individuals.
Mayroon pang 246 MNLF beneficiaries na makatatanggap ng parehong halaga. (DDC)