“Ninja moves” ng isang rider hindi umubra sa MMDA; huli sa pagdaan sa EDSA Bus Lane

“Ninja moves” ng isang rider hindi umubra sa MMDA; huli sa pagdaan sa EDSA Bus Lane

Isang motorcycle rider ang kauna-unahang nasampolan ng mas mataas na multa sa paglabag sa EDSA Bus Lane policy.

Sa post sa social media ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Col. Bong Nebrija, tinangka pa ng rider na takasan ang mga enforcer pero nahuli din kalaunan.

Nagpakilala aniya ito bilang miyembro ng “Pinoy Ninja”.

Pero ani Nebrija, hindi umubra ang “moves” ng rider sa mga enforcer ng MMDA.

Ayon kay Nebrija, automatic na 3rd offense ang ipinataw sa rider na may katapat na prusang P20,000 na multa at isang taong suspensyon ng kaniyang driver’s license.

Maliban sa bus, ang pinapayagan lamang dumaan sa inner lane ng EDSA ay ang mga ambulansya at iba pang sasakyan na ginagamit sa pagtugon sa emergency.

Batay sa bagong multa na ipatutupad ng MMDA, pagmumultahin ng P5,000 ang motorista para sa first offense, habang P10,000; 1 month suspension ng driver’s license, at sasailalim sa road safety seminar para sa second offense.

Sa ikatlong paglabag ay P20,000 na ang multa at isang taon na suspensyon ng driver’s license.

Habang sa ikaapat na paglabag ay P30,000 na multa at ipakakansela na ang driver’s license. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *