Pangulong Marcos tiniyak ang hustisya sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon

Pangulong Marcos tiniyak ang hustisya sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng radio broadcaster sa Mindanao na si Juan T. Jumalon, alyas ‘DJ Johnny Walker.

Sa pamamagitan ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec. Paul Gutierrez, tiniyak ng pangulo sa pamilya ng biktima na maganda ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso.

Nagkaroon ng close-door meeting si Gutierrez kay Misamis Occidental police director, P/Col. Dwight Monato para talakayin ang update sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng binuong ‘Special Investigation Task Group (SITG) Johnny Walker’.

Pagkatapos ng pulong ay dumeretso si Gutierrez sa bahay ni Jumalon sa munisipalidad ng Calamba para ipaabot ang pakikiramay ngpamahalaan.

Iniabot din ni Gutierrez sa maybahay ni Jumalon ang P350,000 na tulong-pinansyal mula sa pangulo at kay Speaker Romualdez.

Una ng nakapag-abot ng tulong na P30,000 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ni Jumalon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *