42 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 42 na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.
Kabilang dito ang 34 na episodes ng volcanic tremor na ang tagal ay umabot ng isa hanggang walong minuto.
Nakapagtala din ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 5 metro.
Noong Lunes, March 15, ang sulfur dioxide emission mula sa bulkan ay umabot sa 1,216 tonnes per day ang average.
Magugunitang noong Martes (March 9) ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.
Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.