42 pang police trainees na sumasailalim sa training sa Calapan City nagpositibo sa COVID-19; lungsod muling sasailalim sa MECQ

42 pang police trainees na sumasailalim sa training sa Calapan City nagpositibo sa COVID-19; lungsod muling sasailalim sa MECQ

Muling isasailalim sa modified enhanced community quarantine o MECQ ang Calapan City, Oriental Mindoro.

Ito ay bunsod ng pagdami ng police trainees na sumasailalim sa Calapan na nagpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan na 42 pang police trainees ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang 42 new positive cases na ito ay karagdagan sa 7 police trainees na naunang nagpositibo sa sakit.

Ayon kay Panaligan, lahat ng mga police trainees na positive sa COVID-19 ay naka-isolate sa City Treatment and Isolation Facility sa City Hall Complex.

Dahil dito, hiniling ng alkalde sa Regional IATF na pansamantalang ilagay ang Calapan City sa MECQ status sa loob ng 14 araw simula sa Agosto 13, araw ng Huwebes.

Paliwanag ni Panaligan, kailangang bumalik muna sa MECQ upang maisagawa ang malawakang contact tracing.

Ang 42 police trainees kasi ay nakapag-duty pa bago sila ma-quarantine noong August 4.

Sa pag-iral ng MECQ, magpapatupad ng public safety measures kabilang ang pagkakaroon ng Market Clustering Days, pagpapatupad ng Quarantine Passes, pagbabawal sa mass gatherings, meetings, events, assemblies at sports activities, pagsasara ng mga opisina, pribado at publiko, at mga establisimento na hindi pinapayagan sa ilalim ng MECQ.

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *