42 episodes ng volcanic tremor naitala sa Bulkang Taal
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 42 episodes ng volcanic tremor sa Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs ang tagal ng volcanic tremor ay umabot ng isa hanggang pitong minuto.
Nakapagtala din ng mahinang pagbuga ng steam-laden plumes sa Main Crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 5 metro.
Noong Martes (March 9) ay itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 2 (Increased Unrest) sa Taal Volcano.
Paalala ng PHIVOLCS, sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.