Revised IRR ng Maharlika Investment Fund umani ng suporta

Revised IRR ng Maharlika Investment Fund umani ng suporta

Umani ng suporta ang inilabas na revised Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa pahayag, pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang independence ng Board of Directors ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Sa final IRR na inilabas ng Malakanyang, nilinaw na ang board ay mayroong
discretionary powers habang tinitiyak ang pagsunod sa batas.

Sa kaniyang panig, nagpahayag din ng suporta si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman revised IRR ng MIF.

Ayon kay Pangandaman, tiniyak ni Pangulong Marcos na ang MIC Board ay mabibigyan ng kalayaan na i-oversee ang pondo ng walang anumang political interventions. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *