Ahensya naniningil ng sobra-sobra sa mga estudyanteng lumalahok sa scholarship program sa Taiwan ayon sa MECO

Ahensya naniningil ng sobra-sobra sa mga estudyanteng lumalahok sa scholarship program sa Taiwan ayon sa MECO

Umapela ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa mga otoridad na gumawa ng hakbang laban sa mga ahensya na naniningil sa mga estudyanteng lumalahok sa scholarship program sa Taiwan.

Nanawagan din si MECO chairman Silvestre Bello III sa Department of Migrant Workers (DMW) na i-blacklist ang Philippine-based agency na responsable umano sa pagkolekta ng pera sa mga scholar.

Sa report na natanggap ng MECO, P45,000 ang siningil na fee ng ahensya mula sa 32 estudyante na dumating sa Taipei noong Nov. 2.

Ang nasabing halaga ay bayad umano para sa airfare, visa, Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) at overseas employment certificate (OEC).

Sinabi ni Bello na bagaman tama lamang na bayaran ng mga scholar ang kanilang visa fee at plane ticket, hindi naman kasama sa requirements nila ang OEC at PDOS.

Ang halaga para sa one-way ticket patungong Taipei ay nasa P10,000 habang ang processing fee para sa student visa ay nasa P2,400 lamang.

Sinabi ni Bello na dapat papanagutin ang mga ahensya na mapatutunayang sobra-sobra kung maningil sa mga estudyante. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *