Ilang mga bawal na paputok naibebenta pa din sa merkado; BAN Toxics nagbabala sa publiko sa peligrong dulot nito
Hinikayat ng Toxic watchdog group na BAN Toxics ang publiko na huwag bumili ng mga paputok para maiwasan ang toxic injuries lalo na sa mga bata.
Bilang bahagi ng “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon” campaign ng grupo, nagsagawa ito kamakailan ng market monitoring ng mga paputok na ibinebenta sa Divisoria, Manila.
Kabilang dito ang crackling balls, crackers, pop pop, happy ball, dynamite, prohibited five star, whistle bomb, at piccolo.
Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ang mga paputok ay nagtataglay ng nakalalasong mga kemikal na delikado sa kalusugan at maging sa kapaligiran.
Ayon sa Department of Health (DOH), kabilang sa mga kemikal na maaaring taglay ng mga paputok ay ang mga sumusunod:
– CADMIUM
– LEAD
– CHROMIUM
– ALUMINUM
– MAGNESIUM
– NITRATES
– NITRITE
– PHOSPHATES
– SULFATES
– CARBON MONOXIDE
– COPPER
– MANGANESE DIOXIDE
at iba pang mga kemikal.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, bosa, goodbye Philippines, bin laden, goodbye bading, goodbye covid, kwiton bomb, kwiton parachute, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb, kabasi, at watusi. (DDC)