Reklamo ng mga customer sa madilaw na tubig ng Maynilad iniimbestigahan na ng MWSS

Reklamo ng mga customer sa madilaw na tubig ng Maynilad iniimbestigahan na ng MWSS

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Metropolitan Waterworks & Sewerage System o MWSS kaugnay sa mga reklamo ng customer sa hindi magandang kalidad ng tubig na isinu-suplay ng Maynilad.

Ayon sa MWSS, noong Nov. 9, 2003 dumagsa ang reklamo sa social media mula sa mga customer ng Maynilad na nakaranas ng paninilaw ng tubig.

Sinabi ng MWSS na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanilang Regulatory Office at nakikipag-ugnayan na sa Maynilad para matukoy ang dahilan ng malabong tubig.

Pinayuhan naman ng MWSS ang mga costumer na nakararanas ng madilaw na tubig na hayaan lamang muna itong dumaloy hanggang sa luminaw.

Ang madilaw na tubig ay maaaring ipunin para magamit sa non-potable uses gaya ng pang-flush sa toilet.

Para sa mga reklamo maaaring magpadala ng mensahe sa social media accounts ng Maynilad.

Maaari ding magpadala ng e-mail sa Customer Service Regulation Area ng MWSS-RO sa csr@ro.mwss.gov.ph (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *