Benepisyaryo ng Food Stamp Program ng pamahalaan aabot sa 300,000 sa susunod na taon
Mas palalawakin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program simula sa buwan ng Hulyo ng susunod na taon.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay, ang full run ng implementasyon ng programa ay sisimulan sa Disyembre hanggang Mayo na may target beneficiaries na 3,000.
At simula sa Hulyo ng susunod na taon ay aabot na sa 300,000 ang target beneficiaries nito.
Ang dagdag na 600,000 beneficiaries ng FSP ay para naman sa taong 2025.
Kabilang sa benepisyaryo ng programa ay ang mga namumuhay sa “below food and poverty line”.
Gumugulong ngayon ang programa ng DSWD sa Tondo, Maynila at sa bayan ng Dapa sa Surigao del Norte. (DDC)