DSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya ng pinaslang na broadcaster sa Misamis Occidental

DSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya ng pinaslang na broadcaster sa Misamis Occidental

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng radio anchor na pinaslang habang nagpo-programa sa Misamis Occidental.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nagtungo ang kanilang social worker sa bayan ng Calamba sa nasabing lalawigan para ipaabot ang pakikiramay sa pamilya ni Juan Jumalon, o kilala din bilang ‘DJ Johnny Walker’.

Nagsagawa din ang assessment and DSWD para sa iba pang pangangailangan ng mga naulila ng broadcaster.

Nagpaabot ang DSWD DSWD-Field Office 10 (Northern Mindanao) ng paunang P20,000 halaga ng tulong pinansyal na maaaring magamit para sa burial at funeral expenses.

Ang dalawang anak ni Jumalon ay pagkakalooban ng educational assistance na P5,000 kada isa.

Isasailalim din ang pamilya ni Jumalon sa assessment para malaman ang kanilang eligibility sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *