Mahigit 64,000 nakapasa sa idinaos na August 2023 civil service exams
Kabuuang 64,635 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) na idinaos noong August 20, 2023 sa 95 testing centers sa buong bansa.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ito ay kumakatawan sa 18.72% passing rate mula sa 345,194 na kumuha ng pagsusulit.
Sa mga nakapasa, 56,942 examinees ang kumuha ng Professional Level at gagawaran ng Career Service Professional Eligibility.
Habang 7,693 naman ang nakapasa sa Subprofessional Level at mabibigyan ng Career Service Subprofessional Eligibility.
Binati naman ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang mga nakapasang examinees.
Umaasa si Nograles na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon sila ng oportunidad na maging civil servant at maibahagi ang kanilang husay sa pagseserbisyo sa mga Filipino. (DDC)