Mahigit P47M na halaga ng cocaine nakumpiska sa bagahe ng isang dayuhan sa NAIA

Mahigit P47M na halaga ng cocaine nakumpiska sa bagahe ng isang dayuhan sa NAIA

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang Bolivian national matapos matuklasan ang kilo-kilong cocaine sa kaniyang bagahe.

Galing Ethiopia ang dayuhan at dumating sa NAIA lulan ng Ethiopian Airlines Flight flight ET 644.

Isinailalim sa masusing screening ang bagahe ng pasahero kabilang ang x-ray scanning at physical examination na nagbunsod sa pagkakadiskubre sa 8.99 kilograms ng cocaine nna itinago sa mga balot ng candy.

Ayon sa BOC, tinatayang aabot sa 47.7 million ang halaga ng mga kontrabando.

Mahaharap ang pasahero sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drug Act at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *