Chemical spill sa Batangas kontrolado na; mga inilikas na pamilya nakabalik na sa kanilang tahanan
Kontrolado na ang naitalang chemical spill sa Bauan, Batangas.
Ayon sa Office of the Civil Defense, ang 53 pamilya o 248 na katao na inilikas dahil sa chemical spill ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.
Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, mabilis na na-contain at agad nakapagsagawa ng cleanup operations sa apektadong baybayin.
Pinasalamatan naman ng OCD ang local government units, Philippine Coast Guard, at ang Department of Environment and Natural Resources na nagtulung-tulong sa pagresponde sa insidente.
Magugunitang inilikas ang mga residente noong November 4, 2023, mula sa coastal area ng Barangay San Miguel.
Ang chemical spill ay nanganap matapos na magkaroon ng pagtagas nula sa dalawang drum na may lamang hazardous substance.
Umabot sa 6,000 square meters ang naapektuhan ng spill na nagresulta din ng fish kill.
Pinayuhan ng OCD ang mga kumpanya na maging maingat upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. (DDC)