Mga mangingisdang naapektuhan ng maritime incident sa Bajo de Masinloc, binigyan ng tulong-pinansyal ng DSWD
Nagpaabot ng kabuuang P190,000 na halaga ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 14 na mangingisda at kanilang pamilya na naapektuhan ng nangyaring maritime incident sa Bajo de Masinloc (BDM) sa West Philippine Sea noong October 2, 2023.
Tatlo sa mga mangingisdang sakay ng FFB Dearyn ang nasawi ng mabangga ng isang foreign vessel.
Kabilang sa ibinigay na tulong ng DSWD ang P70,000 na halaga ng food aid; educational assistance na P90,000; at burial assistance na P10,000 sa pamilya ng bawat mangingisdang nasawi.
Nagsagawa din ng assessment ang DSWD para maisailalim sila sa Sustainable Livelihood Program ng ahensya.
Ayon kay DSWD Central Luzon Regional Director Venus Rebuldela nagpahayag kasi ng pagkabahala ang mga mangingisda dahil sa kawalan nila ng panghanap-buhay sa ngayon. (DDC)